Sa Wakas

Nasabi na ang tinatagong simula;
Pinakawalan ang nakaposas na damdamin.
Hindi na kailangan ibalot sa kumot
Ang mga nangangatog na tuhod.

Kahit ang mga mensahe’y hindi malinaw
Kung ito man ang simula ng kabanata
O isang malungkot na pahimakas
Mananatiling naging masaya ako.

Hindi sa kung paano ito nagwakas
Kundi, sa kung paano ako naging malaya.

-yin

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started