Pebrero 3, 2023

Hindi man kita ganon kakabisado, hindi ko man alam paano mag iwan ng mga ngiti sa labi mo, at hindi ko man alam paano ko kukulayan ang mga araw mo ngunit aking sinta, hayaan mo akong pasayahin ka sa paraan na alam ko. Kahit hindi ako sigurado sapagkat hindi ko batid ang mga nais mo, sana malaman mong susubukan ko.

Gusto kitang makitang masaya sa paraan na alam ko, sa paraan na ginawa ko. Kaya paniwalaan mo ko. Bigyan mo ko ng kahit katiting na parte ng tiwala mo dahil aking papatunayan ang mga sinasabi ko, aking pangangatawanan ang lahat ng mga binitawan ko. Hindi na muli ako tatakbo, hindi na muling magiging duwag harapin ang mga katagang inukit sa puso.

Kaya kahit hindi pa kita kabisado o hindi ko pa alam kung paano, hayaan mo akong alamin kung paano.

Naghihintay,

Yin

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started